ang pag-ibig. :)
August 14, 2008
Sa boung mundo ang dami siguro ang sumusulat ukol sa pag-ibig. Ano ba talaga ‘tong salitang ito na tinatawag natin na pagmamahal o love? Bakit ang daming tao na nababaliw sa salitang ito? Sa buong mundo sino ba ang nakakabigay kahulugan sa isang salitang ang buong mundo ay umiikot – ukol sa pera ito na siguro ang pinakamatayan ng mga tao. Puede na itong isulat sa listahang “top things that people die for”. Ngunit sino ba ang nakakasagot nito? Pati ang Panginoon an nagbibigay din ng sarili niyang kahulugan. Siya daw ang Pag-ibig.
Ngunit, sa sitwasyon ko, ito na nga ba? Sa sitwasyon ko na babae ang hinahanap?
Sa pagkakataong ito, ilaladlad ko ang nararamdaman ko bilang isang babae na hinahanap ang kahulugan ng salita nito. Baka nga ito na ang dahilan kung bakit kailangan kong mamulat sa mundo na ito.
Sigurado ako kayo din meron din’g sariling bersiyon kung pano niyo ipakita kung ano talaga ang bukangbigbig ko na salitang ito.
Ang bersyon naman ng isang tao’ng sabi niya’y iniibig niya ako ang pag-ibig daw ay ang hindi pag-iwan ng minamahl mo. Eh pano ako? Hindi ko nga maiwan ang tao na ito ngunit sakit lang naman ang kapalit ko sa mga ginagawa niya. Hindi ko alam kung dahil ba sa mga kasalanan niya sakin dati o dahil talagang nag-eenjoy lang talaga ako manakit sa kanya sa mala-ahas ko na mga salita.
Bakit ba ako dumating sa ganitong punto? Hindi ako takot na magiging mag-isa. Kung iisipin mas nakakatrabaho ako sa mga gawain ko kapag ako’y walang ibang iniisip kung hindi sarili ko lamang. Nawawala ako sa mga trabaho ko at nakakalimutan ang lahat pagmay ibang taong nagsasabing mahal niya ako.
Pano ko ba mahanap ang kahulugan ng salitang ‘yon? Mananatili ba ako sa tao na to? O lalayo? Kung manatili ako baka sakali ay maturuan nga niya ang puso ko. O baka naman kailangan ko talaga lumayo kasi baka kung manatili ako ay lalo akong tumigas at tuluyan ng maging manhid?
Ano ba ang tama? Pano mo matimbang kung ano ang tama at anu ang mali sa pag-ibig. Ang utak ba o ang nararamdaman ang dapat ipapairal mo?
Saan ba ang sagot ng mga tanong kong walang kwenta? Kung iisipin dapat hindi ‘to ang sinusulat ko kung di siguro dapat world peace, stopping violence, stopping war, or hindi kaya gasoline prices. Ngunit ito ang dikta ng mga kamay ko na itype at ito ang dikta ng utak ko na isulat. Utak ko na ang nagsasabi at pati na din ang puso. Siguro naman tama na isulat ko ang kadramahan ko na ito.
Magsisimula ang kadramahan ko na to sa linyang “ako’y isang magandang babae na mahilig din sa mmga magandang babae”. Hindi ko isusulat kung pano o bakit ako nagging ganito pero isususulat ko kung ano ung mga nararamdaman ko.